PINURI ng Kapuso actor ng Cain at Abel star na si Dennis Trillo ang bida ng karibal nilang show na si Coco Martin.
Sa kanya kasing social media account, nag-promote si Dennis ng kanyang bagong teleserye. Ni-like naman ito ni Coco na pinatunayang isa siyang good sport.
Nagpasalamat si Dennis sa naging gesture ni Coco at nag-dialogue ito na “Salamat sa pag-like, Cardo @mr.cocomartin”.
Sumagot naman si Coco nang ganito: “Congrats, Bro, sana magkatrabaho tayo soon!!!”
Sobrang na-flatter naman si Dennis at nag-reply ito na “Sana nga! Mabuhay at pagpalain ka pa lalo, idol!”
Dahil sa pagiging humble ni Coco, maraming netizen ang napabilib nito kasama na ang kasamahan ni Dennis sa GMA7 na si Angelika dela Cruz na saludo sa kabaitan ng actor.
PISTA NG PELIKULANG PILIPINO, POSIBLENG ILIPAT SA SETYEMBRE
ANG Pista ng Pelikulang Pilipino na brainchild ng FDCP Chair na si Liza-Dino Seguerra ay idinaraos tuwing Agosto na natataon sa Buwan ng Wika.
Sa dalawang nakalipas na edisyon nito, marami ang nakapapansin na nagsasapawan sila ng Cinemalaya.
Sa taong ito, idinaos ang Cinemalaya mula Agosto 3 hanggang 12 samantalang ang PPP ay ginanap mula Agosto 15 hanggang 21.
Dahil dito, apektado ang kita ng PPP dahil magkasunod na idinaos ang dalawang filmfest.
Kumbaga, nasagad ang gusto ng mga movie patrons dahil sa walang patlang na programming ng nasabing filmfests.
Dahil sa pinirmihang presidential proclamation ni Pangulong Duterte na nagdedeklara ng Setyembre 12-2019 hanggang Setyembre 11, 2020 bilang Centennial Year of the Philippine Cinema, malaki ang posibilidad na ilipat na ang PPP sa naturang buwan.
HB 7823, BINATIKOS
KUNG maraming natuwa sa pagkakapasa sa third and final reading ng HB 7823 dahil incentives na ipagkakaloob nito sa mga deserving artist and movie workers, marami rin naman ang bumatikos dito.
Kapag naisabatas kasi ang naturang panukalang batas, ang mga Pinoy filmmakers at producers ay mabibigyan ng cash rewards sa ilalim ng Film Industry Incentives Act.
Sa ilalim ng batas, ang bawat Pinoy filmmaker o producer na ang pelikula ay nanalo ng pinakamataas na award sa isang kilala o A-list international film festival ay pagkakalooban ng P5 milyong piso para sa award-winning full length feature o documentary film, P3 milyong piso para sa award-winning short or documentary film, P2 milyong peso para sa director, main actor, scriptwriter o technical awardee (editor, production designer, sound director, musical scorer at iba pa).Kung higit sa isa ang mananalo, paghahatian ito ng mga winners. Bibigyan din ng P1 milyong piso ang mga supporting artist o technicians na mananalo ng pinakamataas na awards sa kanilang kategorya.
Bibigyan din sila ng “Grade A” mula sa Cinema Evaluation Board kung saan makakukuha sila ng 100% tax rebate kapag ipinalabas na ang kanilang mga obra sa bansa.
Ayon pa sa mga concerned artist, malaking bagay raw kung maisasabatas ang HB 7823 pero bakit kailangan daw na maging batayan ang standards o pag-sang-ayon ng ibang bansa para masabing dekalidad ang ating mga pelikula para ito ay tulungan.
Masyado raw ba tayong dumedepende sa perception ng ibang bansa tungkol sa atin at sa ating mga pelikula para maging karapat-dapat na bigyan ng suporta ng gobyerno.
Comments are closed.