DENNIS TRILLO ‘DI PA SAWA SA BUHAY BINATA

DENNIS TRILLO

KAMAKAILAN lang ay simpleng nagdiwang nang kanyang ika-37 taon na kaarawan si Dennis Trillo atwallface tatlong araw pagkalipas naman ay ang kanyang real life girlfriend na si Jennylyn Mercado. Tila naging kaugalian na ng dalawang magsing-irog na ipagdiwang na lang ng sabay ang kanilang kaarawan.

Tulad ngayong taon, sa isang beach nagpunta sina Dennis at Jennylyn para sa kanilang birthday celebration. Isang taon na lang lagpas na sa kalendaryo si Jennylyn, samantalang si Dennis naman ay over na over na. Ilang taon na rin naman silang mag-syota ni Jen at tanggap naman sila ng kanya-kanyang pamilya at anak. Pero kung tatanungin ang dalawa ay negatibo ang tugon nila ‘pag kasalan na ang usapan.

Sa kaso naman ni Dennis, at dahilan siya ang mag-propose ng kasal kay Jen ay tila hindi pa rin sawa sa buhay pagka-binata itong Drama Prince ng GMA7. Ani ni Dennis, madalas na rin namang pinag-uusapan nila ng kasintahan ang tungkol sa kasal pero wala pa rin daw katiyakan kung kailan ito mangyayari, hindi raw sa nalalapit na taon at perfect timing lang daw ang kanyang hinihintay para alukin ng kasal si Jen.

Desidido na si Dennis na si Jen ang babaeng pakakasalan niya at hindi siya papayag na maging ‘The One That Got Away’ si Jennylyn.

HEART EVANGELISTA PEG ANG NAME NG ASAWA NI SOLENN HEUSSAFF

HEART2WALA pa mang official na statement mula sa kampo ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero kung ano ang tunay na gender ng kanilang magiging baby ay marami na nang natatanggap na regalo si Heart para sa sanggol na isisilang. May regalong pambata na kulay blue, mayroon ding pink ang kulay.

Say ni Heart okey lang daw sa kanya kahit anong kulay ang ibigay sa anak dahilan sa hindi naman daw siya naniniwala sa specific color gender. Pagdating naman sa magiging pangalan ng kanilang anak, may mga lumalabas na rin na pa­ngalan, at isa na rito ay ang name na Nico Boy/Girl na kuha daw sa pangalan ng mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico.

Sa social media account ni Heart ay nagpadala ng message si Nico ng pasasalamat at sinagot naman ito ni Heart sa pagsasabing malaking karangalan sa kanyang side na maipa­ngalan ang magiging anak sa name na Nico.

PAUL SALAS BIBIGYAN NG MAGANDANG LABAN SI MIGUEL TANFELIX

PUMIRMA na ng management contract si Paul Salas at masaya siyang nagbalik bilang Kapuso. Isa siPAUL SALAS Paul sa mga produkto ng “Starstruck Kids” at ngayong mas malaki na ang pagkakataong magkita sila ng kasabayang sina Miguel Tanfelix at Bea Binene, excited siyang makatrabaho ang mga ito. Balita pa niya, nagkita na rin sila ni Miguel sa isang concert at nag-chikahan.

Kampante si Paul dahil mainit ang pag-welcome ng fellow Kapuso actor niya sa kanya. Samantala, bukod kay Miguel ay gusto rin daw niyang makatrabaho sina Ruru Madrid, Bea Binene, Kyline Alcantara at marami pang iba.

One thought on “DENNIS TRILLO ‘DI PA SAWA SA BUHAY BINATA”

Comments are closed.