SABAY na nag-celebrate ang celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Sobrang teary-eyed at na-touch ang Kapuso actress sa birthday message ng boyfriend.
Sa Instagram post ni Dennis kalakip ang mga kuha nilang larawan kung saan sila ay nasa Dubai, UAE, sinabi niya “Umulan, bumagyo…gumuho man ang mundo. Ikaw at Ako pa rin. Happy Birthday, mahal ko.”
Ginantihan din naman ni Jennylyn ng sweet greeting message ang boyfriend.
Sina Jennylyn at Dennis ay naging magkarelasyon nu’ng 2010, pero nagkahiwalay ng 2011. Dahil mahal talaga nila ang isa’t isa ay nagkabalikan ang dalawa 2015.
Para sa celebrity couple, pinatunayan nilang love is sweeter the second time around.
AI AI NILAYASAN NA ANG EX BATTALION
TULUYAN na ngang binitawan ni Ai Ai delas Alas ang grupong singer na Ex Battalion.
Ayon sa komedyanang aktres, ayaw na raw niyang ma-stress sa pangangalaga sa mga singer. Marami raw siyang naranasang hirap bilang business manager ng hip hop singers.
Mas lamang daw ang sakit ng ulo ang binibigay ng grupo sa kanya. Noon pa raw niya dapat binitawan ang grupo, pero dahil may pelikula pa silang ginagawa noon kaya hindi niya magawang idispatsa ang Ex Batallion.
Ngayong naipalabas na raw ang movie ay tuluyan na niyang lalayasan ang mga pasaway na grupo.
“Hindi ko na talaga kaya ang mga ginagawa nila sa’kin. Marami ng insidente, e. Ayoko na ng stress. Para tahimik na rin ang buhay ko. Sa kanila, okay naman sina James at Renn, okay naman. Si Jon, problematic lang ang love life. Pero ‘yung iba, hindi professional, e. May gigs, tatango sila, magko-commit ako, tapos last minute, biglang ayaw na nila,” pahayag ni Ai-Ai.
Ang pinakamatindi pa raw ay kinukwestiyon ng grupo ang tungkol sa pera. Hinahanapan daw siya ng mga ito.
“Kinukuwestiyon ako about money. E, ako, kapag nabayaran na kami, hindi nagtatagal sa akin, binibigay ko agad sa kanila.”
Ayon pa kay Ai-Ai, ang Ex Battalion ang lumapit sa kanya para maging manager ng mga ito.
Dahil sa naranasan sa Ex Battalio group ay hindi na raw muling hahawak ng talent si Ai Ai, ayaw na raw niyang ma-stress lalo na ngayong pinag-iisipan na nilang magkaroon ng baby ng kanyang asawa.
Pagtatapos ni Ai Ai: Kung ang asawa ko nga’t mga anak ko, hindi ako ini-stress. Tapos sila pang tinutulungan ko na nga, silang nagdudulot ng so-brang stress sa buhay ko kaya ayoko na talaga.”
JAMES REID NILAIT NG NETIZENS ANG PAGIGING HURADO SA IP
NAG-EXPLAIN si James Reid sa kanyang Twitter account kung bakit “No” ang binigay niyang desisyon sa nag-audition sa “Idol Philppines” na si Luke Baylon.
Paliwanag ni James, “Like I said, Luke Baylon is a good singer but we’re looking for the total package. Wait till you see the 12 finalists. You’ll see why I said he wasn’t ready. For now, I wish Luke all the success in his music career. That rendition of If I Ain’t Got You was sick.”
Pero mukhang lalo pang nagkaroon ng dahilan ang netizens na bigyan ng negatibong komento ang ‘IP’ judge.
Ani @chesadawn, “nagandahan ka pala sa boses niya, e, bakit ‘no’ ang binigay mo. Saka ikaw na rin ang nagsabi ‘we’re looking for the total package.’ Ibig bang sabihin nu’n dahil si Luke ay hindi good looking guy na tulad mo.”
“Burden pala sa ‘yo ang maging hurado, e bakit tinanggap mo?”
NATHALIE HART MAS LALONG GUMANDA NANG MANGANAK
AFTER a month ng panganganak ay nagbalik na sa social media ang sexy-actress na si Nathalie Hart.
Kitang-kita sa IG posts ni Nathalie na blooming na blooming at mas lalo pa siyang gumanda.
Ibinahagi rin niya ang mga larawan ng cute niyang anak na three months old na pinangalanan niyang Penelope.
Sa pagpost ni Nathalie ng mga photos nilang mag-ina nagpaparamdam ba ang sexy-actress na siya ay magbabalik-showbiz na?
Comments are closed.