DENR, BOC PINAKILOS SA PAGPASOK NG ‘IMPORTED’ NA BASURA

IMPORTED NA BASURA

HINIMOK ng isang kongresista ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Bureau of Customs (BOC) na magpalabas ng bago at mas mahigpit na regulasyon sa pagpasok ng anumang uri ng basura sa bansa.

Ayon kay House Committee on Small Business & Entrepreneurship Developmnent Vice Chairperson at 2nd Dist. Misamis Oriental Rep. Juliette Giit, isang malaking insulto sa sambayanang Filipino na ang bansa ay ginagawang tapunan lamang ng basura ng mga dayuhan.

“The practice of other countries and companies overseas of sending their garbage to the Philippines is an insult to all Filipinos and an affront to our laws,” sabi ni Uy.

Aniya, ang pagkakadiskubre ng panibagong ‘shipment’ ng basura na muling  nangyari sa Port of Tagoloan, sa kanilang lalawigan, ay patunay na patuloy na umiiral ang baluktok na sistema at ang mga taong nasa likod nito ay hindi pa rin ­nangingiming gumawa ng katiwalian.

“The removal and prosecution of the conspirators embedded at the Tagoloan port and in Misamis Oriental must happen,” giit ng Misamis Oriental solon.

Kaya naman muli siyang nanawagan sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na gumawa ng kaukulang imbestigasyon upang masiguro ang agarang pagpapanagot sa mga nasa likod ng pagpasok ng ‘imported’ na mga ba­sura sa bansa.

Matatandaan na ­unang nabisto ang shipments ng mga basura mula Canada at South Korea, na sinundan ng panibagong tone-toneladang ‘impoted trash’ na galing naman sa Australia at China.

Inako naman ng cement manufacturer Holcim Philippines ang ‘recycled waste’ na galing Australia at binigyan-diin na hindi ito nakasasama sa kalusugan ng mga tao.

Ginagamit lamang umano itong panggatong sa paglikha ng enerhiya o koryente para masuplayan ang pangangaila­ngan sa pagpapatakbo ng kanilang planta.

Tiniyak din ng Holcim Philippines na gumagawa na sila ng kaukulang hakbang para maplantsa ang anumang hindi pagkakaunawaan hinggil sa inangkat nilang mga materyales para sa kanilang bio-energy facility. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.