(DENR Chief nanawagan) NET ZERO ECONOMY PARA BAWAS GAS EMISSION

Nanawagan si De­partment of Environment and Natural Re­sources (DENR) Sec­retary  Maria Antonia  Yulo Loyzaga sa mga sektor ng transportasyon at enerhiya na makipagtulungan sa inisyatibo ng pamahalaan na targetin ang “net zero economy” kung saan ay layunin nito na sa pamamagitan ng inilunsad  na  “Just Transition Program” ng  Pilipinas bilang bahagi ng global movement na ito ay  mabalanse ang pa­ngangailangang tugunan ng ekonomiya ng bansa habang pipiliting pababain din ang negatibong epekto ng fossil fuels na gamit ng mga ito na 56% umanong  dahilan ng greenhouse gas emission  na nakaaapekto sa pangdaigdigang suliranin sa climate change.

“Joining the rest of the world to ensure that the shift to a net-zero economy is fair and inclusive for all, the Philippines kicked off yesterday the development of the Just Transition Program prioritizing the energy and transport sectors which account for 56% of the country’s greenhouse gas emissions,”ayon sa kalihim.

Si  Yulo Loyzaga ang Official Representative ng tanggapan ng pangulo sa Climate Change Commission (CCC). Iginiit nito ang kahalagahan na mapababa ang masamang epekto ng gas emission sa kapaligiran habang binabalanse naman ang panga­ngailangan ng mga  vulnerable sectors sa bansa para sa isang sustainable development  sa pagpapatupad naman nito ng climate response na pangdaigdigang inisyatibo.

Giit ni Yulo Loyzaga mahalagang mabigyang pansin ang  “reskilling” at “upskilling” ng  workforce sa mga  sektor ng enerhiya at transportasyon sa pagpapatupad nito.

Parehong umaasa sa paggamit ng conventional energy ang dalawang sektor na may epekto sa kalikasan. “The transition should focus not only on minimizing the negative impacts on affected sectors but also on equipping our workforce with the necessary skills for emerging opportunities in fields such as renewable and climate-friendly technologies,” sabi ni Yulo Loyzaga.

“There is a need to consider the potential for new industries that can emerge from the transition and provide support to conventional industries,” dagdag pa ni Yulo Loyzaga.

Bukod sa DENR, kabilang sa iba pang ahensya ng pamahalaan na obligadong ipatupad ang adhikain ng  pangdaigdigang  Just Transition Program ay Department of Energy (DOE), Department of Labor and Employment (DOLE), and the Department of Transportation (DOTr).

Ang net zero na inis­yatibo ay nangangahulugan ng pagpapababa ng carbon emissions o pagpapawala ng epekto nito sa atmosphere. Samantalang ang konsepto naman ng programang “just transition” ay ang pa­ngangailangan ng political na desisyon  at polisiya upang mabawasan man lang ang mapaminsala sa kalikasan na epekto ng industrial gas emissions habang  binabalanse na hindi nito maapektuhan ang kabuhayan ng mga manggagawa at at komunidad.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia