DENR KATUWANG NG COMELEC SA PAGBABAKLAS NG CAMPAIGN MATERIALS SA MGA PUNO

TUTULONG na rin ang tanggapan ng DENR sa pagbabaklas ng  campaign materials na ikinabit mismo sa mga puno.

Kahapon ay nagsimula nang magsagawa ng pagbabaklas ang mga tauhan ng DENR kasama ang Task Force Oplan Baklas sa mga lugar ng Quezon City, Navotas City at Caloocan City.

Ayon sa DENR, daan daang posters ang kanilang nabaklas mula sa pagkakadikit sa mga puno.

Base sa ilalim ng Comelec resolution 10730, ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign materials sa mga puno o halaman na nasa pampublikong lugar gaya ng kalsada, plaza, paaralan o parke.

Kasabay nito, binala­an din ng DENR ang publiko na nagkakabit ng  campaign materials sa mga hindi designated areas lalo na sa mga puno lalo pa’t mayroong ipinaiiral na Republic ACT 3571 na nagbabawal na pinsalain ang mga puno.

Ang nasabing resolusyon ay mahigpit na nagbabawal sa pagpinsala ng mga puno kung saan may karampatang parusang kahaharapin ang mga lalabag ditto. BETH C