DENR NAGPATULONG SA NINAKAW NA 9 ENDANGERED ANIMAL SPECIES SA ZOO

DENR

NANAWAGAN ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na tulungan silang matunton ang siyam na endangered animal species na ninakaw mula sa Avilon Zoo sa Rodriguez, Rizal.

Kabilang sa ninakaw na mga hayop na nanganganib nang maubos ang tatlong red footed tortoise (Chelonoidis carbonaria), isang mature yellow-footed tortoise (Chelonoidis denticulatus); isang common snapping turtle (Chelydra serpentina); tatlong mature black palm cockatoos (Probosciger ater-rimus), at isang juvenile brown tufted capuchin monkey (Sapajus apella).

Ang mga ito ay bahagi ng conservation breeding program ng Avilon Zoo na kasalukuyan ay pinakamala­king Zoological Institution sa bansa batay sa lawak ng land area at dami ng animal collection ng pasilidad.

Patuloy sa pangangalap ng mga impormasyon ang  attached-agency ng DENR na  Biodiveristy Management Bureau (BMB) sa insidente na nangyari nitong Agosto 14.

Tiniyak ni BMB Director Crisanta Marlene Rodriguez na anumang impormasyon na ibibigay sa kanilang tanggapan ay hindi isasapubliko para na rin sa kanilang proteksiyon.

Maaaring  kontakin ang pinakamalapit na DENR office o sa pamamagitan ng official Facebook page ng kagawaran (DENR-Biodiversity Management Bureau o @denrbiodiversity).

Sabi pa ni Rodriguez, ang impormante ay puwede ring makipag-ugnayan direkta sa management ng zoo sa te­lepono bilang (02) 213-1062 at 948-9866, o sa cellphone number 0908-865-8984.

Sa ilalim ng Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, nahaharap sa parusang kulong ng hanggang anim na taon at multa na P500,000  ang violator na mapapatunayang ‘guilty’ sa paglabag sa batas na ito.

Comments are closed.