DENR NAMIGAY NG MGA PUNO SA KANILANG ‘COMMUNITY PAN-TREE’

NAGSAGAWA ng sariling bersiyon na ‘Community Pan-Tree’ ang Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR) na layuning matugunan ang isyu ng food security sa rehiyon at promosyon para sa katatagan sa komunidad sa panahon ng pandemya at nagbabagong klima.

Sa halip na mga gulay, bigas, noodles, delata at iba pang pagkain ay mga punong kahoy, buto ng prutas at mga gulay naman ang pinamimigay ng ahensiya. “Magtanim ayon sa kakayahan. Umani ayon sa pangangailangan,” ayon sa DENR-NCR.

Ang naturang proyekto ay inisyatiba upang matulungan ang mga residente ng Metro Manila at makayanan ang kahirapan bunsod ng health crisis sa pamamagitan ng urban gardening at pagtatanim.

Ayon kay Lemuel Tolosa, Forester 1 ng DENR NCR, bawat indibidwal ay maaaring kumuha ng hanggang limang seedlings o pananim.

Sa panahon aniya ng pandemya napipigilan ang movement ng mga tao kaya mas mainam na magtanim ng mga halaman habang naka- lockdown at bilang altrernatibo rin para maibsan ang stress o pagkabagot.

Ngayong selebrasyon ng Earth Day 2021 ay isinabay ang pagdiriwang para matulungan ang mga residente sa Metro Manila na mapagaan ang kanilang mga kalooban at pasanin sa pandemya sa pamamagitan ng urban.

Ang DENR “Community Pan-Tree” ay nagbukas araw ng Huwebes mula alas-9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa DENR-NCR Technical Services Office sa North Avenue, Diliman, Quezon City. BENEDICT ABAYGAR, JR.

4 thoughts on “DENR NAMIGAY NG MGA PUNO SA KANILANG ‘COMMUNITY PAN-TREE’”

Comments are closed.