PARA mas lalong maipatupad ang ‘environmental laws’ sa Manila Bay, nakipag-partner ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police Maritime Group (PNP-MG) kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Day ngayong Hunyo 5.
Pinangunahan ni Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda ang grupo sa inspeksiyon ng marine vessels na nakadaong sa Navotas Fish Port at batil (wooden cargo vessels) sa Delpan, Port Area, Manila.
Ayon sa DENR sina PCG National Capital Region-Central Luzon (NCR-CL) Commodore Leovigildo Panopio, PCG NCR-CL spokesperson Lieutenant Michael John Encina, at mga tauhan ng PNP-MG sa ilalim ng pamumuno ni Director Police Brig. Gen. John Mitchell Jamili ang tumulong sa operasyon.
“We are strengthening the coordination and cooperation of the (Philippine) Coast Guard, (PNP) Maritime Group, and DENR to fully enforce the laws that will really protect our oceans,” paliwanag ni Antiporda.
Kaugnay nito binisita rin ni Antiporda, na siya ring namumuno sa Manila Bay Anti-Pollution Task Force, ang shipyards sa Navotas Fish Port kung saan nakadaong ang malalaking marine vessels na dumadaan sa pagsasaayos.
Aniya, ang wastewater na nanggagaling sa shipyard ay kinabibilangan ng toxic compounds at maaring magdulot ng masamang epekto sa karagatan at marine organisms.
“There is no clear protection for our oceans from what we have seen in the shipyards that we have visited. When it rains, the rust removed from the vessels will go directly to the ocean, thus contaminates the water,” ani Antiporda.
Sinabi pa ng DENR official na tatawagan nito ang atensiyon ng mga may-ari ng marine vessels sa shipyard sa Navotas, kabilang na dito ang mga nag o-operate sa Manila Bay region.
“We will summon the respective owners of the shipyards in Navotas area. Of course within the Manila Bay area where there are established shipyards, we will also get their attention and ask for their support in our campaign to address the pollution in Manila Bay,” giit pa ni Antiporda.
Babala ng head ng Manila Bay Anti-Pollution Task Force, kapag hindi sumunod ang mga may-ari ng marine vessels sa kautusan ng DENR, mapipilitan ang ahensiya na magsampa ng kaso laban sa mga ito.
EVELYN GARCIA
904104 967330Wow, amazing weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear straightforward. The overall look of your web website is amazing, let alone the content material! 671240