Pinaghahanda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang attached agency na Mines and Geosciences Bureau (MGB) para sa mga posibleng mga sakuna na idudulot ng La Nina phenomenon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa isang memorandum, nagbigay ng direktiba si DENR Undersecretaries for Field Operations Juan Miguel Cuna at Joselyn Marcus Fragada sa.mga regional director na paganahin ang kanilang Operation Centers (OPCENs) at tumulong sa Pre-Disaster Risk Assessments (PDRAs) at.magkaroon ng kolaborasyon sa kani kanilang counterparts sa Office of Civil Defense(OCD) regional office. Pinayuhan din ni Fragada na tulungan din ng kanilang mga tanggapan ang local government units (LGUs) na magkaroon ng updated geohazard maps at magsagawa rin ng information, education,and communication (IEC) activities sa mga ito bilang bahagi ng darating na La Nina. Ayon kay Fragada, matagal na aniyang naglatag ng mahigpit na regulasyon at safety rules ang DENR sa large scale mining operations na nakasaad sa DENR Administrative Order No. 2000-98 o Mine Safety and Health Standard.Nakasaad dito ang mine safety and health standards sa.mining operations. Nakasaad din sa naturang Administrative Order ang paglilikha ng multi-partite monitoring team na binubuo ng mga taga MGB, ang concerned LGUs at mining corporations, Environmental, Management Bureau (EMB), at iba pang ahensiya na may obligasyong magsagawa ng regular na inspeksyon sa kaligtasan ng kapaligiran ng mining sites.
Pinaaalalahanan din ang mga kompanya ng mining na magkaroon ng isang safety engineer at safety inspector na mamamahala sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa ligtas na operasyon ng mga minahan. Noong June 4,inanunsiyo ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng El Nino phenomenon, at ipinahayag na may 69 porsiyento na magsisimulang maranasan ng bansa ang La Nina mula July, August at September. Ayon sa PAGASA, posible umanong makaranas ng mas matinding hagupit ng La Nina ang ibang bahagi ng bansa dahil sa above normal ranfall conditions.Dahil dito malamang magkaroon ng pagbaha at pagguo ng lupa sa ibang lugar at komunidad ng bansa
Kaya kailangan umanong mananatiling alerto ang publiko at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ganitong mga pangyayari. MA. LUISA M GARCIA