DENR SA ILALIM NI SEC. CIMATU APRUB!

MASAlamin

MULA sa paglilinis sa mga basura, sa mga ilog, sa karagatan at sa polusyon sa hangin ay kahanga-hanga ang pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ilalim ni Sec. Roy Cimatu sa mga ginagawa nitong kampanya.

Ngayon lang kasi naging seryoso at walang sini-sino ang DENR sa panahon ng administrasyon ni Pa­ngulong Duterte basta sa trabaho nito basta tungkol sa kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran.

Pero mababalewala ito kung may isa namang ahensiya ng gobyerno na sablay at walang ginagawang mahusay sa kanilang tungkulin para sa bansa.

Sinugod kasi at kinondena ng Civil society organizations, consumer group at homeowners ang Energy Regulatory Commission (ERC) para hilingin na ibasura nito ang ilang Power Supply Agreements (PSAs) na walang kaukulang Environmental Compliance Certificates (ECCs) mula sa DENR.

Ayon kay Power for People (P4P) spokesperson Erwin Puhawan, lumalakad ang panahon ay nakatunganga pa rin ang ERC sa pagbasura sa PSAs,

Natuklasan na pitong PSAs ang hindi dumaan sa tamang Competitive Selection (CSP) at lumilitaw na tatlo rito ang walang ECCs.

Natukoy na ang coal projects sa Bataan, La Union at Pagbilao, Que­zon ay dapat na-dismiss na noong katapusan ng Hunyo, batay sa rules dahil sa kawalan ng ECCs.

Ang pag-apruba sa PSAs nang walang ECCs ay paglabag sa environmental rights ng host communities.

Samakatuwid, ang mga nasabing energy projects ay magpapatuloy kahit walang nakaaalam kung ano ang magiging epekto nito sa kalusugan at kabuhayan ng mamamayan sa paligid kung saan ito itinayo.

Tsk! Tsk! Tsk!

Sa kabiguan ng ERC na tumugon sa nasabing problema, tuloy ay ipinapakita nito na wala itong pakialam sa kapakanan ng mamamayan.

Paano naman tayo magiging optimistic tungkol sa hinaharap ng proyektong ito kung sa ngayon pa lang, ang mga komunidad ay nagdurusa na bago pa man ang operation ng mga nasabing pryekto.

Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa ng Sanlakas multisectoral coalition, sa harap ng kaliwa’t kanang pagtaas ng mga pangunahing bilihin ay dapat na ma-hadlangan ang aniya’y marumi at magastos na energy mula sa coal na asahan ding magtataas ang halaga sa susunod na 20-year period.

Ani Atty. Pedrosa, dapat nang matigil ang mga kasinunga­lingan o panlilinlang sa mamamayan sa pamamagitan ng pagpapahinto sa maano­malya at napakamahal na kontrata.

 

Comments are closed.