DENR SA PUBLIKO: TIGILAN NA ANG PAGPAPALIPAD NG LOBO

balloons

CALAMBA CITY, Laguna – Umapela ang isang mataas na opisyal ng Department of Environment and Natural Re-sources (DENR) 4A (Calabarzon) kamakailan sa  local government units (LGUs) at sa publiko na tigilan na ang pagpapalipad ng lobo sa mga espesyal na okasyon.

“Sa rehiyon ng Calabarzon, nais naming hikayatin ang mga pamahalaang lokal na ituring na littering ang pagpapakawala ng lobo dahil doon na rin naman ito patutungo,” pahayag ni  DENR-4A Executive Director, lawyer Maria Paz G. Luna.

Sinabi rin ni Luna na nag-order sila sa mga funeral home at ibang party o event organizers na tigilan na ang pagpapakawala ng lobo sa ere.

“Maaari po ka­ming mag-file ng kaso ng paglabag sa RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000),” baba-la niya.

Naging praktis na ang pagpapalipad ng lobo sa maraming pamilyang Pinoy lalo na kapag sa funeral rites, sa paniniwalang ito ay may mensahe sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Pero sinabi ni Luna na hindi ito nangangahulugan na ang mga lobo ay nakararating sa langit.

“Hindi kaya’t ang ibig sabihin noon ay sa purgatoryo ninyo ipinadala ang mensahe? Siguraduhin pong aabot ang mensahe sa mahal sa buhay at hindi sa purgatory,” sabi niya.

Naaksiyunan ito matapos na bumagsak ang Cove Manila Balloon sa Okada Hotel Manila, isang okasyon na magpapakawala sila ng 130,000 na lobo sa ere para salubungin ang Bagong Taon, at umani ng pintas mula sa netizens.

Nag-order ang DENR sa Okada na kanselahin ang event.

Bilang pag-oobserba sa National Zero Waste Month ngayong Enero, patuloy ang pagtataguyod ng ahensiya ng environment awareness and action sa publiko at hubugin ang partisipasyon ng mga tao para sa  pagpupursigi ng national at local integrated, com-prehensive at ecological waste management programs.

Nag-abiso rin si Luna sa publiko na ipadala ang kanilang mga reklamo sa mga nagkakalat – mula sa pagpapakawala ng lobo hanggang sa illegal garbage disposal – sa DENR-4A sa pamamagitan ng pagte-text sa +639456215007 o sa  +639083340224;  o mag-email sa [email protected] o mag-post ng larawan / mensahe ng anu­mang paglabag sa https://www. facebook.com / DENR4AOfficial/ #ZeroWaste o hashtags #DENRCalabarzon at # TayoAngKalikasan.    PNA

Comments are closed.