BAGAMAN nasa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Ret. General Roy Cimatu, inatasan pa rin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang team na magsasalba sa tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na dinukot sa Libya.
Ayon kay Foreign Secretary Alan Peter Cayetano, malaki ang tiwala ng Pangulo sa kakayahan ni Cimatu dahil sa lawak na karanasan nito para sa kapakanan ng mga Filipino worker sa mga bantad na karahasan na bansa gaya ng Iraq at Afghanistan.
Si Cimatu ay dating special envoy ng Arroyo administration sa Middle East na naging matagumpay sa kanyang naging misyon noon.
Dagdag pa ni Cayetano, bilang dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, maraming koneksiyon at kaibigan si Cimatu sa Gulf states.
Hindi naman masabi ng kalihim kung kailan magtutungo sa Libya si Cimatu at kung sino ang kasama nito.
Sa ngayon, aniya, ay nasa “high-level” na ang negosasyon para maisalba ang tatlong Pinoy.
Dagdag pa ni Cayetano na kasama sa Filipino diplomats ang mga kinatawan sa Department of Labor and Employment at Philippine Security Forces.
Magugunitang noong Martes ay binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapadala siya ng barko sa Libya para i-rescue ang tatlong Pinoy at sa halip ay bumuo ng high-level team na pamumunuan ni Cimatu. EUNICE C.
Comments are closed.