DENR TUTOK SA 8 PROBINSIYA

DENR Secretary Roy Cimatu-2

PAGTUTUUNAN  ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 8 probinsiya bunsod ng panganib na nakaamba sa kanilang lugar na madalas daanan ng kalamidad.

Tinukoy ni DENR Secretary Roy Cimatu ang walong prayoridad na probinsiya gaya ng Masbate, Sorsogon, Negros Oriental, Samar, Saranggani, Surigao del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Islands bunsod ng panganib dulot ng pabago-bago ng panahon.

Nakatakdang magpulong ang DENR para sa resiliency planning at convergence budgeting sa Huwebes  katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Agriculture (DA) at Department of Interior and Local Government (DILG) para mabalangkas ang plano at upang maibsan ang mga nakaambang problema tuwing may trahedya sa mga naturang probinsiya.

Inaasahan namang dadaluhan ng mga gobernador ang nasabing pagpupulong upang maging kaagapay ang DENR at iba pang mga nasabing ahensiya.

Pakay ng Cabinet Cluster CCAM-DRR Roadmap para sa 2018-2022 na maisaayos at magkaroon ng climate at disaster-resilient communities nang maging handa ang bawat isa sa pagprotekta ng coastal areas, water resources management, community livelihood at iba pang pagnenegosyo at mapalakas din ang 19 climate vulnerable provinces at major urban centers maging sa Metro Manila, Cebu, Iloilo at  Davao.    BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.