Aminado si Kris Aquino na utang niya sa dating manager na si Deo Endrinal ang lahat ng katanyagang tinamasa niya noong namamayagpag pa siya sa showbiz.
Ani Kris, nagsisisi siyang hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makipagbati kay Deo matapos magkaroon sila ng fall-out nang umalis siya sa ABS-CBN noong 2016. Ngunit kahit umano nagkalayo sila ay nananatiling malapit ito sa kanyang puso at ipinagmamalaki niyang “I’d never have become KRIS without the magical guidance of the creative genius that was DEO ENDRINAL.”
Ilang taon din umano silang not on speaking terms. Nagkaroon sila ng gap mula nang umalis ang TV host-actress sa bakuran ng ABS-CBN. Ngunit hindi biro ang 16 na taong pinagsamahan nila, and Kris really feels sorry na hindi siya nag-reach out dahil nasaktan siya nang huminto sa pakikipag-communicate sa kanya si Deo, kasabay pa ng kanyang pagkakasakit. Kung hindi umano yon nangyari, pwede sanang naging support system nila ang isa’t isa sa panahon ng pangangailangan.
Si Deo umano ang nagturo kay Kris ng lahat, pati na ng disiplina at palabra de honor. Nagtiwala raw ito sa kanya kaya nagtiwala rin siya sa kanyang sarili. Itinuro din umano sa kanya ni Deo ang value of professionalism, respect, and generosity in sharing the credit sa mga kasamahan sa production ng mga shows at mga pelikula. At itinuro din umano sa kanya ni Deo na paghiwalayin ang personal problems at tungkulin para mag-entertain bilang artista.
Samantala, ipinagluksa ng ABS-CBN ang pagkawala nina dating General Manager and Vice Chairman Atty. Augusto “Jake” Almeda Lopez, at Deo Endrinal, executive ng content production unit ng ABS-CBN ngayong linggo.
Malaking kawalan umano ang dalawa sa kanilang network at walang makapapalit sa kanila.
Dumalaw naman sa burol ni Endrinal ang mga artistang natulungan niya tulad nina Kim Chiu at Gerald Anderson, Andrea Brillantes, Judy Ann Santos, Claudine Barreto, Bea Alonzo to name a few.
Ayon sa ABS-CBN, naniniwala silang hindi malilimutan ng lahat ang naging mga kuntribusyon ni Deo sa industriya ng show business. NLVN