INIHAIN ni Senadora Cynthia Villar ng panukalang batas sa pagbuo ng departamento na bubusisi sa kalagayan ng may 12 milyong Filipino sa ibang bansa.
Sa ilalim ng Senate Bill 141, magtatatag ng Department of Migration and Development upang mapadali ang mga proseso at mahinto ang mga di makatwirang sinisingil ng mga ahensiya ng pamahalaan sa overseas Filipino workers (OFWs).
Sa sandaling maisabatas, irerekomenda at ipatutupad ng departamento ang mga polisiya, plano at programa ng pamahalaan upang maisulong ang proteksiyon, kaligtasan, kaunlaran at suporta sa mga Filipinong nasa ibang bansa at mga naiwang kasapi ng kanilang pamilya.
“It is appropriate to create a government agency in the executive department, which shall have the exclusive function of protecting and enforcing the welfare and rights of Filipinos overseas. We need an empowered agency that will adequately support and give assistance to them,” ani Villar.
Inaasahang sa pamamagitan ng Department of Migration and Development ay maisusulong, maipatutupad at mapabubuti ang ugnayan sa ibang bansa kung saan may mga Filipino at mamamayan ang foreign developments para matiyak ang resonableng working conditions ng OFWs.
Gayundin, isusulong, pauunlarin at imo-monitor nito ang patuloy na edukasyon, pagsasanay at kuwalipikasyon, availability at deployment ng OFWs at makikipag-ugnayan sa concerned agencies sa pagsasanay sa overseas Filipinos para mapabuti ang kanilang competitiveness sa buong mundo.
Sa kabila ng presensiya ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), bukod sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakikita ng maraming Filipino sa ibang bansa na pinababayaan din nila ng pamahalaan.
“There are reports of numerous complaints and resentment towards government harbored by overseas Filipino workers apparently brought about by the government’s delayed and inadequate support and assistance while they are facing difficult predicaments abroad,” sabi pa ni Villar.
Sa ilalim ng panukala, nakakabit ang POEA at OWWA sa department for policy and program coordination.
Layunin din ng panukalang batas na bumuo ng P1-billion Special Assistance Revolving Fund para sa Filipino Migrants, kabilang ang documented at undocumented. Gagamitin ito sa emergency repatriation; medical expenses; immigration penalties; legal assistance; pambayad sa blood money; humanitarian assistance sa mga naiwang pamilya; mga scholarship sa mga anak ng Filipino overseas; maintenance at operational expenses kabilang ang capital outlay sa pagtatayo ng One-Stop Migrant Processing and Assistance Centers.
Ayon pa kay Villar, base sa rekord noong 2018 ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ikinokonsiderang “significant contributors” sa gross domestic product ng bansa ang OFW remittances na umaabot sa $28.94 billion at $32.21 billion personal remittances.
Ang mga ito na ipinadala sa formal channels na siyang naging dahilan kung bakit nananatiling masigla ang ekonomiya ng Filipinas.
Pakay rin ng panukalang batas ang pagbuo ng inter-agency coordinating Council on Migration and Development na hahawak sa death row cases na may sangkot na blood money, terrorism, drug-trafficking, human trafficking pati na rin ang large-scale illegal recruitment cases na kinasasangkutan ng Filipino worker sa urgent cases ng overseas workers at 9 sa kanilang pamilya na nangangailangan ng humanitarian assistance.
Itinatadhana sa batas ang pagtatayo ng One-Stop Migrant Assistance Centers sa major capital towns at siyudad sa buong bansa upang matiyak ang agaran at mahalagang serbisyo sa migrant Filipinos at kanilang pamilya. Kabilang dito ang passport at authentication services, acquisition ng government clearances at permits, validation ang overseas job offers, reintegration services at lahat ng kailangang seminars at workshops sa lahat ng stakeholders. VICKY CERVALES
Comments are closed.