DEPARTAMENTO SA MGA KALAMIDAD IGINIIT

duterte

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang kagawaran ng pamahalaan na siyang nakatutok sa disaster preparedness at response.

Inihayag ito ni Duterte sa isinagawang briefing sa mga nasalanta ng bagyong Usman sa Camarines Sur.

Anang Pangulo, nananatili ang kanyang kagustuhan na magkaroon ng regular na tanggapan na nakatutok sa mga ka­lamidad upang mas ma­ging epektibo.

Layunin nito, matugunan ang pangangaila­ngan ng mga kababayan sa tuwing may tatamang bagyo o hindi inaasahang kalamidad.

Sa kasalukuyan, si Undersecretary Ricardo Jalad ang namumuno sa Office of the Civil Defense (OCD) na nakasasakop sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang OCD naman ay nasa ilalim ng Department of National Defense (DND) sa pangu­nguna ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Nabatid na dinidinig sa Kongreso ang panukalang bubuo sa kagawaran na tututok sa disaster preparedness at response.

Comments are closed.