DEPARTMENT OF DISASTER RESILIENCE MULING ISINULONG

SEN BONG GO-2

KASABAY ng paggunita ng bansa sa National Disaster Resilience month, muling  isinulong ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) at ang pagkakaroon ng mandatory  evacuation centers  sa buong bansa.

Iginiit ni Go, panahon na para baguhin ang mindset at pagtugon sa natural disasters at calamities  lalo na’t normal na ang taon-taon ay nararanasan na ito, subalit ang mahirap na sitwas­yon ngayon ay nasa  gitna ang bansa ng COVID-19 pandemic.

Ani Go, dapat nang  tanggapin na “vulnerable” ang bansa sa  mga kalamidad  tulad ng mga bagyo, lindol at volcanic eruptions.

Binigyang diin nito, ngayong taon ay napakaraming kalamidad ang pinagdaanan ng bansa  kaya naman dapat nang pairalin ang kultura ng pagiging proactive  at resilient  para malampasan ang mga krisis.

Ayon kay Go, mahalagang mai-promote ang awareness, information dissemination at ang pagtuturo sa publiko lalo  na sa mga komunidad kaugnay sa pagharap sa mga kalamidad.

Nauna nang isinulong ni Go noong Hulyo ng nakaraang taon ang Senate Bill 205  o ang pagkakaroon ng  DDR  na mayroong unity of command at responsable sa pagtiyak ng kaligtasan, disaster-resilient at madaling makaagapay sa mga pagbabago na komunidad.

Maliban sa DDR, isinusulong din ni Go ang SB 1228 o mas kilala bilang Mandatory  Evacuation Center  Act  kung saan required ang  bawat lalawigan, lungsod o bayan na  magpatayo ng mga permanenteng evacuation centers. VICKY CERVALES

Comments are closed.