PASAY CITY – UMAASA si Senator Bong Go na maipapasa ang panukalang pagtatatag ng Department of OFW bago matapos ang taong kasalukuyan.
Sa pahayag ng senador mahalagang magkaroon ng kagawaran na talagang tututok sa pangangailangan at reklamo ng mga overseas Filipino worker.
Muling ipinaliwanag ng mambabatas na base sa panukalang batas, maglalagay ng mga police attache sa mga lugar na maraming OFW para sa mga nangangailangan ng tulong at saklolo.
Aniya, walang ibang layunin si Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang mapabuti ang kapakanan ng sambayanang Filipino nasa loob o labas man ng bansa ang mga ito.
Matatandaang isinulong ni Go ang panukalang pagtatatag ng DOFW para hindi na aniya malito pa ang OFW o ang kanilang mga pamilya kung saan lalapit kapag nagkaroon ng problema. sa abroad. VICKY CERVALES