DEPARTMENT OF OFWs  ISINUSULONG SA SENADO

Ramon Bong Revilla Jr

ISINUSULONG ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers na magsisilbing kamay ng pamahalaan upang bigyan ng proteksiyon at siguruhin ang karapatan at kapakanan ng lahat ng migranteng manggagawa sa iba’t ibang bansa.

Ito ay dahil na rin sa walang katapusang problemang kinakaharap ng mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nais ni Revilla na matutukan ang mga tinaguriang mga bagong ba­yani sa pagtatatag ng isang ahensya tulad ng Department of OFWs.

Kasabay rin nito, inihain din ng senador ang dalawang panukalang batas na layong maisama sa curiculum ang mandatory disaster relief and response gayundin ang basic road safety para sa K to 12 sa lahat ng primary at secondary schools.

Ani Revilla, ang pagsasama ng disaster response sa basic education ay napakahalaga sa pag­hubog sa kabataan para makapag-salba ng buhay sa anumang hindi inaasahang kalamidad.

Ipinaliwanag ng senador na marapat din na mapabilang ang road safety education upang sa murang edad ay higit na makatutu-long para maiintindihan ang tamang disiplina para sa mga driver, commuter at pedestrian tungo sa ligtas at maayos na lansangan, at mas kalmadong sitwas­yon ng trapiko sa bansa. VICKY CERVALES

Comments are closed.