DEPCOM ITINALAGANG OIC NG BI

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer-in-charge ng Bureau of Immigration.

Ayon kay Presidential Communications Of­fice Secretary Cesar Chavez,  si Viado ang mangangasiwa sa BI matapos sibakin ni Pangulong Marcos si Commissioner Norman Tansingco dahil sa pagtakas sa bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ang appointment papers ni Viado ay may petsang Setyembre 10, 2024.

Nauna rito ay tiniyak ni Pangulong Marcos na mananagot ang mga opsiyal ng gobyerno na sangkot sa pagtakas ni  Guo.

Si Guo na umano’y may kinalaman sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bamban ay nahaharap din sa iba’tibang kaso kaugnay sa nabanggit na operasyon.

EVELYN QUIROZ