DEPED ALL SET NA SA FACE-TO-FACE CLASSES

‘ALL set’ na ang Department of Education (DepEd) para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa Nobyembre 15, 2021.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na nakakuha na ang kagawaran ng consent mula sa mga local government unit (LGU).

Ginawa aniya ng DepEd ang lahat ng paraan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Sisimulan ang pilot face-to-face classes sa 100 pampublikong paaralan, 20 pribado at ilang international schools.

Patuloy pa ang pamimili sa 20 pribadong paaralan na kasama sa pilot testing habang natukoy na ang 100 pampublikong paaralan mapapabilang dito.

Ayon kay Briones, maaaring palawigin at dagdagan ang mga eskwelahang magkaroon ng face-to-face classes depende sa magiging resulta ng pilot study.

Dagdag nito, ni-require ang mga magulang na dapat silang magbigay ng written consent na nagpapahayag ng pagpayag na mapasama ang kanilang anak sa face-to-face classes.

Nag-inspeksyon na ang DepEd sa mga eskuwelahan para matiyak ang kahandaan ng mga pasilidad, gamot, masusunod ang social distancing, at malapit sa health stations.

May risk assessment din na galing sa Department of Health (DOH). ELMA MORALES