DEPED APRUB SA ‘NO HOMEWORK’

NO HOMEWORK

APRUB para kay  Department of Education Secretary Leonor Briones ang panukalang batas na nagbabawal na magdala at mag-uwi ng assignment  para sa mga estudyante.

Sinabi ni Briones, nawawalan ng oras, pahinga at bonding ang pamilya at mga kaibigan ng mga estudyante dahil sa mga ipinagagawa at ipinauuwi na mga takdang aralin na kung magkataon ay mga tutor naman daw ang minsan na gumagawa nito.

“Ang gusto natin, pag-uwi nila, libre na sila, free time nila to be with their parents, friends,”  pahayag ni Briones.

Sinabi nito na pagpasok  niya sa kagawaran ay  ginawa na itong policy, subalit  mayroon pa ring mga eskuwelahan  na  nasanay talaga sa pagbibigay ng homework.

Inihain nitong Lunes ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang panukalang batas na nagbabawal sa homework tuwing weekend.

Agad naman itong inalmahan ng Teacher’s Dignity Coalition dahil hindi naman nito intensiyon na pahirapan ang buhay ng mga ­estudyante.

Comments are closed.