NAGKASUNDO ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DoH) sa isang joint memorandum circular para sa pagsasagawa ng limitadong pilot face-to-face classes sa 100 public schools at 20 private school.
Ang 638 schools na nomimado ay 36 sa National Capital Region (NCR); 50 sa Region I; 50 sa Region II; 13 sa Region III; 50 sa Region IV-A; 50 sa Region V; 29 sa Region VI; 50 sa Region VII; 18 sa Region VIII; 50 sa Region X; 18 sa Region XI; 24 sa Region XII; 50 sa Region XIII, at 50 sa CAR.
“At least 638 were recommended by the regional directors after passing the eligibility criteria including the result of school readiness assessment,” ayon sa DepEd.
Sinabi pa ng DepEd, pipili sila ng 100 pampubliko paaralan mula sa listahan na isasailalim pa sa karagdagang pagsala matapos na muling patunayan ang schools safety assessment tool (SSAT) at risk classification ng DoH.
Ayon sa DepEd, makakasama sa face-to-face ang 95 elementary schools, limang senior high schools at 20 private schools. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.