DEPED AT PCTA LUMAGDA PARA SA LIBRENG BROADCAST LESSONS SA TV

Leonor Briones

TINANGGAP ng Philippine Cable and Telecommunications Association Inc. (PCTA) ang hamon dulot ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd) sa pagbibigay ng libreng broadcast lessons sa telebisyon.

Ito ay makaraang lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang DepEd at PCTA para sa pagsasaayos ng television broadcasting bilang alternatibong paraan ng pagtuturo  sa mga estudyante upang maiwasan ang face-to-face classes habang nananatili ang pandemic.

Nakapaloob sa MOA, ang  DepEd ang magbibigay ng content at learning resources samantalang ang PCTA’s member operators  ang magbibigay ng channel para sa libreng DepEd TV.

Gayundin, bukod sa content at learning resources na siyang gagamitin sa DepEd TV, magbibigay rin ang ahensiya ng schedules at guidelines sa airing nito.

Tutulungan ng PCTA ang DepEd sa pamamagitan ng paghihikayat na dagdagan ang  available channel capacity upang ma-accommodate ang pag-ere nito mula DepEd Central Office.

Nilagdaan nina DepEd Secretary Leonor M. Briones at PCTA President Jose Luis E. Dabao ang naturang MOA.

Ang PCTA  ay i-incorporated noong Mayo 1987 ni dating Senador Ramon Magsaysay Jr. bilang founding chairman na naitayo noong 1969 nang i-set up ng isang American expat ang kauna-unahang cable TV sa Filipinas na nasa Baguio City.

Comments are closed.