DEPED, DICT PINAKILOS VS MOMO CHALLENGE

MOMO CHALLENGE

INATASAN  na ng Malakanyang ang Department of Information and Technology (DICT) at ang Department of Education (DepEd) na  umaksiyon  laban sa kontrobersiyal na  Momo Challenge na sinasabing nagiging dahilan ng pagpapakamatay ng isang kabataan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na peke man o hindi, dapat nang umaksiyon ang pamahalaan dahil sa panganib na dulot ng naturang challenge.

Hiniling ng Palasyo na i-monitor ng DICT at DepEd at ng mga magulang ang kanilang mga anak sa matagal na  paggamit ng internet.

“Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Secretary Eliseo Rio said that whether the Momo challenge is a hoax or not, the Department is warning the public of the dangers which can be found in the internet. The DICT, together with the Department of Education (DepEd), is targeting parents to monitor and give guidance to their children on how to use the internet,” dagdag pa ni Panelo.

Naalarma ang publiko sa Momo Challenge dahil sa nanghihikayat umano ito sa mga bata na magpakamatay o ‘di kaya ay saktan ang kanilang sarili at ang kapwa.

Comments are closed.