DepEd, EDCOM II sa pagreporma ng basic education

Kaye Nebre Martin

PARA  pabilisin ang trabaho at makagawa ng target reforms sa sector ng edukasyon, nagkaisa ang Department of Education (DepEd) at ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na bigyang prayoridad ang pagresolba sa krisis sa edukasyon ng bansa.

Suportado naman ito ni Vice President of the Republic of the Philippines Sara Duterte a tumatayo ring Secretary of Education, at isinusulong pa ang transformative, concrete, at targeted reforms upang mas mapaganda ang sistema ng edukasyon.

Binigyang diin naman ni EDCOM II Co-Chairperson Senator Sherwin Gatchalian ang mga priority areas ng EDCOM II, kung saan kasama ang Early Childhood Care and Development (ECCD), basic education, teacher education and development, at governance and finance.

Kaugnay nito, agbigay ang DepEd ng mga plano at direksyon na may kinalaman sa MATATAG Agenda upang masolusyunan ang mga isyu na inilatag ng EDCOM II, kasama na ang paglulunsad ng National Education Portal, isang recalibrated National Learning Recovery Plan (NLRP), at ang parating na pagsasagawa ng National Learning Camp (NLC).

Sa ganitong paraan, umaasa ang lahat a sa mga darating na araw ay magiging mas maganda ang resulta ng pag-aaral ng mga kabataang Pinoy. KNM