DEPED HUMIHINGI NG MAS MATAAS NA POLL HONORARIA PARA SA MGA TEACHERS SA 2022 POLLS

UMAASA ang Department of Education (DepEd) na tataasan ang honoraria ng teachers na magiging poll workers sa 2022 National and Local Elections.

“Although it is less than our proposed increase for our teachers who will serve as poll workers, we appreciate the adjusted rates, and we will coordinate with COMELEC for possible increase of the honoraria and other allowances and benefits,” ani Secretary Leonor Magtolis Briones.

Noong November 10, inilabas ng COMELEC ang approved new honoraria and allowances para sa mga mi­yembro ng Electoral Board at iba pang poll workers. Mas mababa ito sa hinihingi ng DepEd.

Noong June 2021, hiniling ng Department ang honoraria rates base sa Consumer Price Index and Inflation Rate base sa January 2021: Php9,000.00 sa Chairpersons; Php8,000.00 sa EB members; Php7,000.00 sa DepEd Supervisor Official (DESO); at Php5,000.00 sa Support Staff.

Hiniling din ng DepEd ang health insurance cove­rage para sa mga inaasahang mahahawa ng Covid virus. Pinag-aaralan pa ng Comelec kung ibibigay din ang iba pang benefits tulad ng on-site swab testing, shifting, at working hours ng public school teachers sa EB, tax exemption, at absence/transfer/leave ng DepEd employees dahil sa election-related incidents.

Base sa COMELEC Resolution No. 10727, makakatanggap ang mga teachers na magseserbisyo sa eleksyon ng sumusunod na honoraria: Chairperson of Electoral Board (EB) – Php7,000.00; EB Members – Php6,000.00; DepEd Supervisor Official (DESO) – Php5,000.00; at Support Staff – Php3,000.00.

Ang Chairperson at members of EB, DESO, at ang kanilang staff ay makakatanggap rin ng Php2,000.00 travel allowance (Php1,000.00 per day sa Final Testing at Sealing ng Vote Counting Machine at Php1,000.00 sa mismong Election Day.)

Bukod dito, makakatanggap din ang DESO at DESO Technical Support staff ng communication allowance na Php1,500.00, habang ang mga miyembro ng EB, DESO at ang kanilang team ay entitled sa Anti-COVID-19 Allowance na Php500.00.

Base sa resolusyon, minimum ng limang araw na service credits ang ibibigay sa lahat ng government officials at empleyado na magsisilbing EB, DESO, Medical Personnel, at Support Staff. Ibibigay ang kanilang honoraria and allowances 15 araw matapos ang eleksyon.

Sakaling may mamatay habang nagseserbisyo dahil sa election-related risk, makakatanggap ang kanilang pamilya ng Death Benefits na nagkakahalaga ng Php500,000.00, at kung masaktan naman sila o magkasakit, may Medical assistance din silang Php200,000.00.

Samantala, pinaalalahanan ni Undersecretary for Administration Alain Del B. Pascua ang DepEd personnel na magsumite ng kanilang Philippine National Public Key Infrastructure (PNPKI) applications.