DEPED KUKUHA NG DAGDAG NA ADMIN STAFF

PLANO ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng mga karagdagang administrative staff para mabawasan ang nonteaching workload ng mga guro.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kapos pa rin ang kagawaran ng administrative assisstants sa kabila ng pagtatalaga nila ng 5,000 na nonteaching personnel.

Nakita umano ni Angara na sobra-sobra rin ang trabaho ng mga kasalukuyang admi­nistrative assistants dahil umaabot sa tatlong pampublikong paaralan ang kanilang kailangan na puntahan para tulungan ang mga guro.

Pinag-aaralan nga­yon ng DepEd kung ano ang dapat na mabawas na trabaho ng mga guro bukod sa pagtuturo.

Inaalam pa kung ilan ang dagdag na kakaila­nganing  admi­nistrative staff.

Sinabi ng kalihim na maraming guro ang nadagdagan ang trabaho dahil sa pagpapatupad ng Matatag curriculum ngayong unang linggo ng school year 2024-2025.

ELMA MORALES