INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na may Christmas gift sila sa mga public school learners. Mayroon silang free download ng Microsoft Windows 11 Operating System (OS) gamit ang sarili nilang DepEd learner accounts.
“We recognize the need for accessible OS as we adopted blending learning in the past two years. This collaboration with Microsoft Philippines will help our learners and their families in discovering more opportunities in ICT since they have a safe and legitimate OS for their gadgets,” ayon kay Education Secretary Leonor Magtolis Briones.
Pinabilis ng Office of the Undersecretary for Administration (OUA), sa tulong ng Information and Communications Technology Service (ICTS), ang initiative ng partnership sa Microsoft Philippines.
Pwede nang ma-access ng mga learners ang free Windows software sa pamamagitan ng pagla-log sa kanilang DepEd Microsoft accounts at paghanap sa webstore ng kanilang region. Bawat region ay may kani-kanyang link.
Kapag nakapasok na sa regional webstore, piliin ang Windows 11 para sa download. Availabe din ang Windows 10 sa hindi makaka-meet sa system specifications na kailangan para mag-install ng Windows 11.
Matapos piliin ang operating system at i-clicking ang add to cart button, tumuloy sa checkout.
Sundin ang instructions pagkatapos ng checkout button hanggang lumabas ang product key. I-click ang link sa ibaba ng product key upang simulan ang installation.
“I’d like to commend Microsoft for its support in transforming basic education in the Philippines. This initiative is a huge step in DepEd’s commitment to equip our learners with up-to-date technology that can help support blended learning and also hone their interests and skills,” dagdag naman ni Undersecretary for Administration Alain Del Pascua.
Malapit na ring ibigay ng DepEd ang free Windows OS download for teachers upang mas mapadali ang pagtuturo. KAYE NEBRE MARTIN