DEPED NAGPAALALA VS PARTISAN

NAGPAALALA  ang Department of Education sa lahat ng mga guro at sa mga kawani at opisyal ng gobyerno kaugnay ng mga dapat at hindi dapat kasangkutan ng mga ito sa nalalapit na national elections 2022.

Sa Laging Handa public briefing, ipinaliwanag ni DepEd Undersecretary Revsee Escobedo na may inilabas na silang memorandum hinggil dito alinsunod sa umiiral na batas.

Ayon kay Escobedo, nakasaad sa 1987 Constitution na walang opisyal, o empleyado ng civil service ang dapat makisali, direkta man o hindi, sa ano pa mang electioneering o partisan political activities.

Sinabi ni Escobado na ito rin ang nakasaad sa Executive Order 292 o administrative code of 1997 o bawal gamitin ang kanilang kapangyarihan o awtoridad sa pang- iimpluwensiya para gipitin ang political activity ng sinumang indibidwal.

Ipinaliwanag nito na ang tanging exemption lamang ay ang pagboto.

Ayon pa rito, salig naman sa Republic Act 6173 o code of conduct and ethical standard for public officials and employees na dapat manatiling neutral ang lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan.

Sa ilalim naman ng RA 7160 o local government code of 1991, nakasaad na ipinagbabawal ang pakikisangkot, direkta man o hindi ng mga lokal na opisyal at kawani sa partisan political activities pero maaari pa rin silang magpahayag ng kanilang pananaw sa current issues o maghayag ng suporta para sa isang kandidato para sa public office.

Saklaw aniya ng mga pagbabawal nito ang miyembro ng civil service sa lahat ng sangay, sundivision, instrumentality at mga ahensya ng gobyerno , permanent mam sila temporary o contractual o casual at kasama rin ang barangay officials.

Tanging ang Presidente, bise presidente, miyembro ng gabinete at iba pang elective officials, personnel, confidential staff ng mga ito ang hindi saklaw ng pagbabawal. Beth C