PATULOY pa rin na naka-monitor ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa posibleng transmission ng COVID-19 sa mga paaralan sa buong bansa sa gitna ng face-to-face classes.
Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, inaasahan nilang mahahawa ang mga mag-aaral o guro sa mga paaralan mula nang magbalik ang klase noong Agosto.
Sa kabila nito, tuloy pa rin ang pagbabantay ng kagawaran sa sitwasyon ng mga paaralan sa implementasyon ng minimum public health standards.
Nabatid na nagresulta ang hawahan ng COVID-19 sa pagsuspinde ng mga klase sa isang paaralan sa Laoag City, Ilocos Norte na umabot ng isang linggo.
Dalawang mag-aaral at tatlong guro kasi mula sa Gabu National High School ang nagpositibo sa nasabing virus.
Samantala, hinikayat ng DepEd ang mga mag-aaral, guro at non-teaching staff na magpabakuna laban sa COVID-19. DWIZ882