EKSAKTO ang pagkakapirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Republic Act No. 11480 na nagamyenda sa Section 3 ng R.A. 7797, o “An Act to Lengthen the School Calendar from 200 Days to not more than 220 Class Days.”
Ngayon puwede nang ipagpaliban ng Pangulo ang pagbubukas ng klase taliwas sa kagustuhan ng DepEd.
Una hindi pa naman kasi nagagawa dahil hindi ginawa ng Curriculum Bureau ang trabaho nito at ipinasa ang paggawa sa mga guro.
Paano na ang National Achievement Test, chopsuey na rin ba dahil nangyayaring chopsuey ang paggawa ng module, iba-iba, kanya-kanya.
Ngayon kanino hihingi ng load na P1,000 kada buwan ang mga guro? Kay mayor ba o kay gobernador? Malabo ‘yan.
Lahat ng 47,000 na mga public school sa buong bansa walang internet at 27 million na mga estudyante walang mga gadget katulad ng laptop, tablet o PC. Paano na?
Tama na ang kahibangan ng DepEd, malinaw na hindi nila magagampanan ang pagtuturo sa pinipilit nilang pagbubukas ng klase sa Agosto.
Ano na ang garantiya na ang mga estudyante ay hindi liliban sa mga aralin at sasama sa paghahanap-buhay sa bukirin o kung saan?
Paano kapag nagpatuloy na walang internet ang mga mag-aaral, ayos lang ba ‘yun?
Paano ang pagpapakopya ng mga module, sagot na naman ba ng mga guro? Malamang ‘di ba, kasi apat na taon nang ganyan naman ang ginagawa?
Bakit ka humihingi ng P29 bilyon ang DepEd na budget para sa tablet at laptop ng mga guro, e wala namang internet.
Bakit ba pilit ipinipilit ang pilipit?
Comments are closed.