Pinagpapaliwanag ni Benguet caretaker at ACT-CIS Cong. Eric Yap ang Department of Education (DepEd) hinggil sa isang topic sa module nito tungkol sa mga Igorot.
Tanong ni Yap sa DepEd, “Bakit kailangang gawing halimbawa ang hitsura ng pananamit o kultura ng mga Igorot o ng isang tribu?”
Ang tinutukoy ng mambabatas ay ang kumalat sa online ngayon na tila insulto sa mga Igorot.
Ang tanong kasi sa mag-aaral, “Nakita mong tinutukso ng kaklase mo ang isang batang Igorot dahil sa kanyang anyo. Ano ang iyong gagawin?”
“Tila malaking isyu na pala ngayon ang anyo o pananamit ng tao para sa DepEd?” ani Yap.
Lalong hindi nagustuhan ng mambabatas ang isa pang tanong sa module na, “Makikipaglaro ka ba sa kaklase na Igorot dahil iba ang kanyang pananamit?”
“Bakit kailangang turuan ang mga bata na may mga kababayan tayo na iba ang anyo o kultura?” dagdag pa ni Yap.
Hirit pa niya sa DepEd, “Hindi ba’t ang mga bata walang pakialam kung anong hitsura o anyo ng kanyang kalaro o kasama?”
“Let us not teach them about discrimination,” dagdag pa ng Benguet caretaker. PMRT
Comments are closed.