IGINIIT ng Alliance of Concerned Teachers Act of the Philippines na ang DepEd Central Office ang may pananagutan sa malisyosong nilalaman ng high school module kaugnay kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at hindi ang mga guro at lokal na tanggapan.
Isa lamang ito sa marami pang problema na nilalaman ng DepEd learning modules simula noong 2020.
Ayon sa grupo, ang pinakaugat ng problema ay ang kabiguan ng DepEd Central na gumawa ng napapanahong pamantayang modules na kailangan sa lahat ng subjects at grade level ng mga mag-aaral.
Kasalanan din anila ito ng DepEd Central dahil sa kawalan ng mahigpit na vetting process para sa localization ng module production gayon din ang kwestiyonable nitong pagtitiyak sa kalidad ng mga module.
Nabatid na nauna nang humingi ng paumanhin ang tanggapan ng DepEd sa Maynila nitong Biyernes para sa paglalathala at pamamahagi ng isang senior high school module na may mga negatibong nilalaman ukol kay Robredo. DWIZ882