DEPEKTIBONG KALSADA IPAALAM SA DPWH

HINIKAYAT ngayon ni DPWH Secretary Mark Villar ang publiko na kaagad ipaabot sa tanggapan nito ang anumang sirang kalsada sa ilang bahagi ng bansa upang mabilis na maisaayos ito.

Layon nito, anang kalihim na masolusyunan ang isyu hinggil sa sira-sirang daan sa ilang lugar sa NCR katulad ng reklamong natanggap na damaged manhole sa Aurora Boulevard sa Sta.Cruz,Manila na agad na inayos ng DPWH North Manila DEO gayundin ang butas sa kahabaan ng Novaliches-San Jose road sa Caloocan City malapit sa North Caloocan District Hospital ay natapalan na kasabay sa pagtanggal ng iligal na ginawang humps sa Oroquieta Street sa Sta.Cruz, Manila nito lamang Enero.

“Through the DPWH Secretary’s Hotline 16502 which is operational 24/7,social media platforms,we can promptly attend to complaints on road damage and other DPWH related concerns,” diin ni Villar.

Siniguro rin ng kalihim na aayusin ang bako-bakong truck lane sa bahagi ng C-5 sakaling mayroon nang pondo ang Metro Manila 2nd DEO.

Kaugnay nito,nananawagan naman ang mga concerned citizen sa ilang lalawigan sa bansa kabilang ang Bicol region na imbestigahan ng ahensiya ang matagal nang nakatengga umano na kalsada sa ilang national highway kung saan bayad na ang mga kontraktor subalit hindi pa rin tapos ang trabaho nito.

“Although our Regional and District Engineering Office’s personnel nationwide are continuously inspecting our roads,we appreciate the public collaboration in monitoring and keeping the quality and safety of our thoroughfares as we recognize the importance of placing the public at the center of our policies and program,”anang kalihim. NORMAN LAURIO

Comments are closed.