(Depensa ng Malacañang) PAGDAKIP KAY LADLAD LEGAL

Vic Ladlad

WALANG mali  sa   ginawang pag-aresto kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Vic Ladlad ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na suspendido na ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig) kaya ina­resto si Ladlad na nahaharap sa iba’t ibang kaso  kabilang ang murder kaugnay sa umano’y  pagpatay sa mga dati niyang kasamahan sa New People’s Army (NPA).

“There has been an announcement by the President even last year about the arrest of these people given the proclamation that the peace talks have ended,” paha­yag ni Panelo.

Dahil naudlot ang peace talks kaya tuloy pa rin ang kaso laban sa grupo ni Ladlad tulad ng rebelyon na isang continuing crime.

Sa pagsalakay  kaha­pon ng  madaling araw sa safehouse ni Ladlad ay nakakuha ang mga tauhan ng CIDG ng ilang high-powered firearms at mga dokumento.

Una nang nadakip ang isa pang lider ng komunistang grupo na si Rafael Baylosis dahil sa kasong illegal possession of firearms. E. QUIROZ

3 thoughts on “(Depensa ng Malacañang) PAGDAKIP KAY LADLAD LEGAL”

Comments are closed.