DEPLOYMENT BAN NG OFWs SA HONG KONG AT MACAU TINANGGAL

Brigido Dulay

PASAY CITY – MALAYA nang makakabalik ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong at Macau gayundin ang mga turista na nais na magtungo roon.

Ito ay nang tanggalin na ng pamahalaan ang ban deployment sa nasabing Chinese territories bunsod ng novel coronavirus 2019 (COVID-19) scare.

Sa tweet ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, inalis na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Hong Kong at Macau sa travel ban.

“Today, DFA Sec [Teodoro] Locsin’s advocacy has come true. OFWs returning for work in Hong Kong and Macau have been ­exempted from the outbound travel ban by the IATF-EID, subject to certain procedural formalities,” ayon kay Locsin. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.