DEPLOYMENT NG 2 BATALYONG SUNDALO SA MIDDLE EAST NAUDLOT

SUNDALO

CAMP AGUINALDO – PINIGIL ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang plano ng gobyerno na mag-deploy ng dalawang batalyon ng sundalo sa Middle East kasunod ng repatration ng mga overseas Filipino worker bunsod ng U.S –Iran tension.

Ayon kay Lorenzana, ito ay bunsod ng posibleng peligro sa sitwasyon sa mga bansang pupuntahan bukod pa sa makakasikip ang mga ito sa barkong pagsasakyan ng mga lilikas na OFWs.

Pahayag pa ni DND Secretary at Chairman ng  Committee on the Repatriation Filipinos in the Middle na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte para pamahalaan ang humanitarian mission na minungkahi nila sa pangulong Duterte na huwag ng ituloy ang deployment ng isang battalion ng Philippine Marine at isang batalyon ng Philippine Army.

Dahil dito ay napagpasyahan na magpadala na lamang ng small contingent o kompanya ng sundalo at kailangang hindi armado at naka-civilian attire sakaling kailanganin ng mag-OFWs ang kanilang tulong.

Ayon pa sa kalihim, isang Del Pilar class frigate at isang Landing Dock Ship ang maglalayag sa mga susunod na araw patungong Gitnang Silangan bagaman wala pang inilabas na opisyal na destinasyon ang mga ito. VERLIN RUIZ

Comments are closed.