PINASIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang deployment ng mga official ballot na gagamitin sa May 9 national at local elections, Martes ng gabi.
Ayon sa Comelec, aabot sa mahigit animnapu’t pitong milyong balota ang dadalhin na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, partikular na sa mga city at municipal treasurer’s office.
Manggagaling ang mga official ballot sa bodega ng Comelec sa Legaspi Street sa Maybunga, Pasig City.
Maliban sa mga balota ay kasabay na rin nilang idi-deploy ang iba pang election supplies.
Nitong unang linggo ng Abril ay pinasimulan na rin ng Comelec ang paghahatid ng vote-counting machines (VM), consolidated canvassing system (CCS) laptops, at transmission devices mula naman sa Comelec warehouse sa Santa Rosa, Laguna.
Ang iba’t-ibang election-related equipment, peripherals, forms at supplies ay dadalhin sa mga regional hub ng Comelec sa buong bansa. Jeff Gallos