(Deployment ng OFWs) TOTAL BAN SA LIBYA

OFW

NAGDEKLARA na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng total deployment ban sa Libya.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang total deployment ban ay dahil sa patuloy na kaguluhan at karahasan sa  nasabing bansa.

Nauna rito, itinaas ng  Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level III sa Libya.

Sa ilalim nito ay paiiralin ang Voluntary Repatritaion sa mga Pilipino na naroroon.

Batay sa datos ng DOLE, nasa isang libong Pinoy ang nasa Libya, kabilang na ang mga nagtatrabaho at nakatira na sa nasabing bansa. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.