DEPORTATION CASE NI SHIELA GUO TAPUSIN NGAYONG OKTUBRE

TARGET ng Bureau of Immigration (BI) na tapusin ang deportation case ni Sheila Guo, ang umano’y kapatid ni dismissed Bamban mayor Alice Guo, ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon kay BI Board of Special Inquiry (BSI) Chairman Gilberto U. Repizo, inatasan na ng BI ang magkabilang panig na isumite ang position paper.

Ginawa ni Repizo ang pahayag kasunod ng isinagawang pagdinig sa deportation case ni Shiela na nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Tiniyak ni Repizo na kapag natanggap ng BSI ang position papers ng magkabilang panig, sa loob ng 15 araw ay reresolbahin ang kaso laban kay Shiela.

“Tatlong araw si­mula ngayon meron silang pitong araw para mag-submit simultaneously ng position paper nila,” ayon kay Repizo.

Kapag nailabas ang findings at rekomendas­yon ng BSI, isusumite ito sa BI’s Board of Commissioners na binubuo ni Commissioner Atty. Joel Anthony M. Viado, at Deputy Commissioners Daniel Laogan at Aldwin Alegre.

PMRT