DEPOSIT INSURANCE COVERAGE PINADODOBLE

Luis Campos

PINADODOBLE ni Makati City Rep. Luis Campos ang maximum deposit insurance coverage (MDIC) ng 63 million bank depositors sa buong bansa.

Sa House Bill 5812, isinusulong ni Campos na mula sa kasalukuyang P500,000, ang MDIC ay gawing P1 million per depositor sa bawat bangko.

Inaamyendahan ng panukala ang charter ng Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) na siyang nagtatakda ng MDIC.

Ayon kay Campos, sa panahon ngayon at sa mga nagtataasang presyo ay dapat lamang na itaas na ang insurance protection ng mga bank depositor.

Paraan din, aniya, ito para mahikayat pa lalo ang mga Filipino na patuloy na magdeposito at gumamit ng bangko.

Tinukoy pa ni Campos ang tumataas na bilang ng mga pamilyang kabilang sa middle class.

Noong 2017, ilang daang libong bank depositors din ang naapektuhan ng pagsasara ng 41 bangko na karamihan ay mga rural lender. CONDE BATAC

Comments are closed.