TINUTUTUKANG ngayon ng Special Investigation Task Group (SITG) kung sino ang nagbayad o nagdedeposito ng pera sa bangko ni Joel Escorial kapalit ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon sa STIG, nagiging balakid sa kanila sa pagtukoy ng mastermind o kakikilanlan ng depositors ang umiiral na Bank Secrecy Law.
Sa pahayag naman ni Southern Police District (SPD) Director BGen. Kirby John Kraft, gumagawa na sila ng kaukulang aksyon sa pamamagitan ng pagsulat sa bangko.
Layunin ng mga imbestigador na makakuha ng certificate of transaction.
“Sa part ni Joel, wala umanong ng problem… Ang challenge umano ay yung nag-deposit, yung pagtukoy kung sino ang nagdeposito o nag wire transfer ng pera kay Escorial dahil posibleng covered umano ito ng bank secrecy law,” ani Kraft.
Ayon kay Kraft, pinag-aaralan na rin nila ang pagkuha ng mga CCTV footage mula sa mga bangko o ATM machines para madetermina kung talagang si Escorial ang gumagawa ng mga withdrawal base sa kanyang statement of account or bank records.
Sa ngayon ay nakahain na rin ang kaso sa mga suspek na sangkot sa naturang krimen.
Patuloy din ang koordinasyon sa ama ng sinasabing unang middleman sa pagpaplano para patayin si Lapid na namatay sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) dahil sa heart hemorrhage.
Ang middleman na nakilalang si Cristito Villamor Palaña ay pinangalanan ng self-confessed gunman na si Escorial.
Binabantayan na rin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang seguridad ng ikalawang middleman na kinilalang si Christopher Bacoto.
Samantala, balak ng pamilya Mabasa na hilingin na magsagawa ng hiwalay na autopsy sa labi ni Jun Globa Villamor para sa mabilis na pag-usad ng imbestigasyon.
Inilabas na ng Department of Justice (DOJ) ang dokumento sa initial findings ng autopsy ng Task Force Villamor sa labi ng inmate na sinasabing middleman sa pagpatay sa journalist na si Percy Lapid.
Sa dokumentong pirmado ni Medico Legal Officer na si Dra.Marivic Villarin Floro, lumalabas na walang external injuries si Villamor, negatibo rin sa COVID-19 at paraffin test.
Gayunpaman, lumalabas na nagkaroon ito dati ng problema sa kanyang puso. VERLIN RUIZ