DEPOT NG WILCON NASUNOG

BULACAN-BINALOT ng maitim at makapal na usok ang likurang bahagi ng isang depot sa bahagi ng Drt Hi-Way Brgy, Tarcan, Baliwag City.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nagsimula ang sunog ganap na alas-11:30 umaga nitong Martes.

Dahil sa tindi ng apoy sa loob ng Depot, agad itong itinaas sa ika -apat na alarma, kung saan pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa light materials at furniture na nasa loob ng depot.

Kinailangan pang gumamit ng oxygen ng ilang mga fire marshall upang mapasok ang loob ng bodega na sa tindi ng init lumambot at bumagsak mga bakal ng buong bubong ng bodega.

Nagtulong-tulong na ang lahat ng fire truck sa Bulacan habang tumulong din ang firetruck mula sa Quezon City, San Juan City at karatig probinsya maging ang mga pribadong kumpanya na may firetruck ay tumulong na rin.

Dahil sa sunog hindi muna pwedeng dumaan ang mga motorista na patungo ng southbound sa halip nag-detour na lamang sila sa Bypass ng Pulilan.

Habang ang mga motorista na patungo sa southbound ay pinayagan makadaan sa lugar.

Samantala sa mga oras na ito, tuloy pa rin ang pag-apula ng mga bumbero sa nabangit na sunog.
THONY ARCENAL