DEPRESSION NAGING INSPIRASYON

BUSINESS FROM THE HEART

MAGANDA ang buhay ni Geneva Marcelino sa Pilipinas. Nakatira sa sariling condo unit at mid-twenties pa lang, may po-sisyon na sa isang malaking advertising agency sa Metro Manila na global ang sinasakop. Laging nagta-travel. Nakarat-ing na sa mga great Asian cities. Nakapamasyal na rin sa Switzerland, Paris at New York. Karelasyon niya si Alex Ward, isang Amerikanong may posisyon din sa isang international company na pagtulong sa mga mahihirap pero matatalinong istudyante ang layunin.

Taong 2019 kinakailangang lumipat sa Vietnam ang dalawa. May bagong assignment si Alex sa bansang ito at nakakuha naman ng isang promising na creative job si Geneva sa isang advertising agency sa Ho Chi Minh City.

Pero lumala ang sakit na Depression ni Geneva nang mapalayo sa sariling bansa at mga mahal sa buhay. Binitiwan niya ang ad-vertising job sa Ho Chi Minh City at naging freelancer sa advertising.

ASO
R HOUSE DINER AND LOUNGE dog showering the guest with million kisses.

Malungkot pa rin ang kanyang mundo kahit maunawain at mabait si Alex. Nami-miss ang ina at ang halos tinuturing nang kapa-tid na aso ng pamilya, si Hatchie. Naisip nilang mag-alaga na rin ng aso at baka makatulong sa mental and emotional stress ng dala-ga kaya dumalaw sila sa mga dog shelters ng HCMC. Napili nilang alagaan ang lalaking asong si Noxy at naging close sila ni Alex sa mga may-ari ng shelters.

Hindi nakuntento kay Nox, kinuha rin nilang alaga si Rambo, isang ten year old na higanteng German Shepherd. At ang pan-gatlo, si Tom. Dito na nagsimulang mabuhay ang advocacy nila sa mga abandoned dogs na nagsisiksikan sa mga shelters na kulang sa pondo. Puno man ng pagmamahal ang mga may-ari ng shelters, kapus naman sila sa pantustos para lalong mapabuti ang mga minamahal nilang abandoned dogs.

Ang unang ginawa nina Geneva at Alex ay tumulong para makahikayat ng mga dog-lovers na mag-ampon ng aso mula sa shel-ter. Kaya isang online matchmaking animal adoption ang tinatag ni Geneva, pinangalanang Pawfect Match. Naging successful ito, may mga tao sa Vietnam na nag-adopt ng asong gusto nila through Pawfect Match.

Naging inspirasyon ito para makaisip na naman si Geneva ng isang project na ang mga kawawang aso pa rin ang concern niya.

Bakit nga raw ba hindi sila magtayo ng coffee shop o diner na gagawin din nilang tahanan ng ilang aso mula sa mga shelters? At ang magiging ultimate goal ay may mga diners na gugustuhing ampunin na lamang nila ang mga foster dogs na kinakatuwaan nila?

Pero wala siyang puhunan. Hindi siya nahiyang mag-imbita ng mga investors (mga kamag-anak, mga kaibigan)_through Face-book. Kaya lang sino ba ang magtitiwala, wala naman siyang background sa pagnenegosyo kundi magbenta ng mga ginawa niyang paintings sa kanyang mga kaibigan at kakilala?

Alam ng lahat gaano kahirap magtayo ng coffee shop o restaurant. Kung magkano ang puhunan. Kung ilang tauhan ang kailangan para mapagsilbihan nang husto ang mga kumakain. Mas marami ang mga nalulugi kaysa kumikita. Kaya siguro nabigo si Geneva na makakuha kahit isang investor man lang.

Pero may mga sumugal pa rin sa kanya. Ang kanyang ina sa Pilipinas at ang kanyang ate sa New York. Kaya lang tulad nga ng pinangangambahan, hindi sapat. Kulang. Kapus. Tagilid financially. Nakapagdeposito at nakapag-advance na nga siya ng renta at nakabili ng mga basic na kagamitan, hindi naman alam kung saan kukunin ang operational expenses at ang tumatakbong monthly na upa sa business place niya. Ang suweldo niya sa kanyang freelancing job sa advertising ay nauuwi sa bagong tatag na negosyo. Ang padala ng Mommy niya monthly na twenty thousand pesos nakakatulong naman but she needs more money to survive the business.

Napakahirap palang magsimula ng isang negosyo kung wala kang malaking capital. Pero may isa pang sumugal na naman sa pangarap ng dalaga. Si Alex. At nag-all out support na ito sa nobya. Hindi natakot si Alex na gamitin ang savings para mapatatag ang advocacy business na nasimulan.

And another dreamer who wants to change the world ang nakuha pa nila, si Jay T. Kaya tumibay na ang mga haligi ng R House Diner and Lounge. Si Jay T ay isang Vietnamese na matagal nang kaibigan ni Geneva. Magaling mag-english kaya siguro agad ding nagkalapit sila ni Alex.

Si Alex ang nakaisip ng pangalan na R House Diner and Lounge. Pero ang letrang R ay first letter din naman ng pangalan ng mahal na ama ni Geneva na si Ruben. Kaya natuwa rin ang kanyang ina sa pangalang ito dahil para bang nag-dedicate ang anak ng isang advocacy business sa memory ng ama.

Kumpleto na ang multi-racial na samahan nilang tatlo. At iisa ang nagbubuklod sa kanila. Love for the abandoned dogs and the goal is to make the lives of these dogs better.

Maganda agad ang unang takbo ng negosyo, marami palang mga tao sa Ho Chi Minh City na natutuwa at nagmamahal ng mga asong may history na kaawa-awa. Mga Vietnamese man o mga banyaga ay tinatangkilik ang R House dahil sa kakaibang konsepto ng negosyo na puno ng pagmamalasakit sa mga hayop. Ayon pa nga kay Jay T, may pamilyang Vietnamese pa na nagluluto talaga sa kanilang bahay para lang pag kumain sila sa R House ay may pasalubong sila sa mga foster dogs.

At hindi lang naman ang mga aso ang dahilan ng pagpa-patronize nila sa negosyo nina Geneva, Alex at Jay T.

Isa pang advocacy ang dinadala ng R House. Ito ang healthy eating. Vegan dishes. Nagpapalusog at masarap.

Naging adbokasiya na rin sa R House ang paglilimita ng paggamit ng plastic na napakasama sa environment. Kaya ang straw ng kanilang mga drinks ay hindi made of plastic. Kundi mula sa kalikasan.

Perpekto ba ang samahan ng tatlo? Hindi naman. Mga tao lang sila, mga edad na nasa kategoryang Milenyal. Mga matatalino, mga edukado, may mga mabubuting puso. Pero mga tao pa rin sila at kabataan.                      (Itutuloy)

Comments are closed.