DEPRESSION NAGING INSPIRASYON

BUSINESS FROM THE HEART

(Pagpapatuloy)

Apat na taon na ang relasyon nina Geneva at Alex and yet, para pa ring aso at pusa kapag naii-stress. Ang kanilang referee madalas sino pa kundi si Jay T. Si Jay T ang nagba-balance sa kanilang samahan na cultural triumvirate.Challenging, masaya.

​Ang nakakatuwa rin sa R House, pati mga managers at iba pang empleyado nila ay mga kabataan din. At kailanman hindi tinuturing na empleyado ng tatlo ang mga nagtatrabaho sa R House. Kundi teammates.

​May mga empleyadong nawala o umalis. Dahil hindi kaisa sa puso at diwa. Sa ngayon, masasabing ang team R House ay parang isang bangkang may tibay na ang lahat na sakay ay nagkakaisa, iba-iba man ang antas nila sa negosyong ito.

​Kaya tulad ng isang bangkang nasa malawak na tubig, nakakasalubong din nila ang bagyo. Tulad na lamang ng pandemic na talagang buong mundo, lahat na klaseng tao ay naaapektuhan.

​Ang mga negosyo ay parang binayo ng napakalakas na hangin at ulan. Marami ang sumuko, nadapa, nawala. Pero ang R House, bago man at mga kabataan ang nagdadala, lumalaban. Sa tibay ng kanilang samahan at sa talinong angkin ng bawat miyembro ng team, mula sa mga may-ari hanggang sa kanilang kaisa-isang senior na ang tungkulin ay security guard ng R House, nagpapakita ng gilas.

​Ginagamit ang sipag at at isip para gaano man kahaba ang pandemyang ito ay makikisayaw na lamang sila. Live with the virus, dance with it. Hindi ba iyan ang sabi ng mga marurunong na tao sa hamon na ito ng kalikasan?

R HOUSE DINER AND LOUNGE OPEN AND VERY ALIVE
R HOUSE DINER AND LOUNGE OPEN AND VERY ALIVE

Ride on the strong tides, be there on top of the situation. Ang lakas ng tatlong may-ari ay nanggagaling sa pagkapit  sa kanilang tiwala sa isa’t isa. Tiwala sa kanilang paniniwala na ang ginagawa nila ay may kabuluhan. Naghahanap sila ng purpose at ito na ang purpose nila. Hindi lang isa kundi tatlo. Una ay makatulong sa mga hayop na nilikha rin ng Diyos. Pangalawa ay makapang-akit ng mga tao na kumain ng mga magpapalusog sa kanila. At pangatlo ay gawin ang kanilang negosyo na magandang halimbawa para ang ating mundo ay huwag mamatay dahil sa ating pagpapabaya.

​Kung susumahin ang mga deklarasyon nina Geneva, Alex at Jay T ay iisang katotohanan ang tangay ng kanilang mga pagkatao. Ayaw nilang mabuhay ng para sa mga sarili lamang nila.

​Gusto nila ng negosyong may ibubunga na kabutihan sa lahat. Advocacy business na kung tutularan lamang ng karamihang mga mangangalakal ay napakaganda sana ng ating daigdig.

​Dahil sa R House at Pawfect Match, may mga abandonadong aso na nagkaroon ng pamilya. At merong mga tao na nakatagpo ng saya at kasama sa buhay na walang katulad ang dedication at devotion.

​Ganyan ang mga hayop, karamihan sa kanila. Sabi nga ni Alex, sa tuwing umuuwi siya ay para bang laging sabik na sabik na sasalubong sa kanya ang mga adopted furry sons nila. Na sina Noxy, Rambo at Tomas or Tom.

​Kung makalundag at makayakap at makahalik ay para bang ilang taon siyang hindi nakikita. Kaya nararamdaman niya ang sarap ng pag-uwi.

​At si Geneva naman, oo, hindi pa nga siya lubusang magaling sa kanyang Depression dahil nga clinical ito. Isang depression na ang dahilan ay ang kakulangan niya sa serotonin. Kapag na-stress, napagod, nagkasakit … sinusumpong siya ng kakaibang lungkot, galit at kawalan ng pag-asa.

​May medications siya pero hindi lamang ito ang tumutulong para makabangon siya sa bawat araw para harapin ang puno sa hamon niyang buhay. Na by choice, ginusto rin niya. Sabi nga niya, lifetime commitment ito. Hindi bibitiwan hanggang kaya niya. Ang kanyang depression ay nagiging inspirasyon na rin. Dahil masaya siya sa piling ng mga adopted  dogs nila ni Alex. Fulfilled siya na may mga foster dogs sila sa R-House na  hindi na nakikipagsiksikan sa shelters at kumakain at inaalagaan ng tama. At nakikisalamuha sa mga diners na natutuwa rin sa kanila.

​At si Jay T ay hindi rin bibitiw sa advocacy business na ito. Basta nakikita niya ang legacy na iiwan nito sa lipunan ay mananatili siya even if that is the remaining one reason to hang on.

​Silang tatlo ay nangangarap na ang R House ay magkakaroon ng mga branches sa iba-ibang sulok ng Vietnam. O kahit pa nga sa Pilipinas. Considerng that one of the founders ay Pilipina. At posible rin namang magkakaroon din ng R House sa Amerika dahil isang Amerikano si Alex.

​Pangarap pa lang pero walang imposible. Ang kaisa-isa pa lamang na R-House ngayon ay nagsimula sa pangarap, halos walang plano nang sinimulan ng isang dalagang may Depression. Nang visual na makatagpo ng perpektong lugar si Geneva ay agad niyang gustong itayo ang pangarap.

FOSTER DOGS OF R HOUSE DINER AND LOUNGE
FOSTER DOGS OF R HOUSE DINER AND LOUNGE

​This is going to be the place  of a coffee shop or a diner where people will eat vegan and dogs from the shelters will entertain the human guests, deklara niya sa sarili nang makita ang nakasara nang dating big restaurant. Kahit wala pang hawak na pera ay lakas-loob na niyang kinausap ang may-ari ng lugar. Wala pa nga ang pangdeposito ay confident na siyang naglinis, nagpinta ng mga art works niya doon. Hindi pa nga sigurado kung papayag si Alex ay lumusob na siya sa kanyang plano.

​Pero kilala na kasi niya ang pagkatao ni Alex at kung ano rin ang mga dreams nito kaya siguro hindi siya nag-aalala na hindi siya nito sasamahan sa gusto niyang itayo.

​At dahil nga siguro nasa isip niya si Jay T na magiging intresado sa advocacy business na ito kaya hindi na siya nagdalawang-isip.

​Ang Vietnam ay isa nang napakaprogresibong bansa. Ang Ho Chi Minh City na ang dating pangalan ay Saigon ay kamangha-mangha na ang transformation. Titingalain mo na rin ang mga pagkakataas na buildings. Maiinggit ka bilang Pilipino sa mga malalawak nilang kalsada. At mga tulay na moderno ang mga designs. Higit mong hahangaan ang kanilang malawak na ilog na naaalagaan kaya napakalinis.Kapag turista kayo mula sa saan mang lugar ay hindi kayo mabibigo sa HCMC, Vietnam.

​Pero huwag ninyong kakalimutang dumaan sa R House Diner and Lounge kapag kayo ay nagugutom na at gusto ninyo ng masarap at pangkalusugang putahe. At gusto ninyong uminom ng drinks na ang straw ay gawa sa kawayan. At higit sa lahat … kapag gusto ninyong makilala sina Mit, Chout, Bambi, Bong, Pawpy, Gau, An at Titi. Sila ang mga foster dogs ngayon ng R House. Oo, tatahulan kayo. Pero ito ang paraan nila para i-welcome ang mga guests. Hindi sila mangangagat. Ang gusto nila ay makalapit para makatikim sila ng hagod o tapik sa kanilang ulo at katawan. Dahil mahal nila ang mga tao. Kaya dapat lang din na mahalin natin sila. Hindi lamang silang mga fosters sa R House kundi lahat na aso sa mundo.

oOo

​I-google man o personal na pupuntahan agad ang kanilang address dito ninyo sila matatagpuan: R House duong so 63-AP KDC Van Minh, Phuong An Phu Quan 2, HCMC, ­Vietnam.

Comments are closed.