PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na hindi dapat ipagwalang-bahala ang depresyon, dahil ito’y isang seryosong kondisyon na maaaring mauwi sa suicide.
Ito’y kasunod na rin ng ginawang pagsu-suicide ng drummer ng bandang Razorback, na si Brian Velasco noong Huwebes ng umaga.
“Depression is a serious health condition. In the Philippines, 3.3 million Filipinos suffer from depressive disorders with suicide rates in 2.5 males and 1.7 females per 100,000. We need to start talking about depression to end the stigma surrounding mental health because when left unattended, it can lead to suicide,” pahayag pa ng DOH.
Batay sa ulat ng World Health Organization (WHO), may 800,000 katao ang nagsu-suicide kada taon.
Ito na rin umano ang itinuturing na second leading cause ng pagkamatay ng mga indibidwal na nasa 15 hanggang 29-taong gu-lang.
Binigyang-diin naman ng DOH na maaaring masolusyunan ang depresyon at ang sinumang dumaranas nito ay maaaring tumawag sa kanilang tanggapan upang mabigyan ng kaukulang tulong.
“To those in need of help, we have a 24-hour toll-free suicide prevention hotline. You can call (02) 8044673; 0917-5584673 or send an SMS to 2919 for Globe and TM subscribers,” anang DOH.
Matatandaang si Velasco ay tumalon mula sa ika-34 na palapag ng kanyang tinutuluyang City Land Tower sa Vito Cruz Street, Malate, Manila, dakong 9:45 ng umaga kamakalawa.
Naka-Facebook live pa ang naturang suicide at nag-viral sa social media.
Umapela naman sa publiko ang DOH na itigil na ang pagpapakalat ng naturang video.
“We are aware of the video going around the internet of his suicidal act. We request for the public to stop sharing this tragic video and respect the family who are still grieving and in pain due to this unfortunate event,” panawagan pa ng DOH, kasabay ng pagpapahayag ng pakikiramay sa naulilang pamilya. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.