DEPUTY COMMISSIONER ITINALAGANG OIC NG BI

Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioner Joel Anthony Viado (Left)  former BI chief Norman Tansingco (Right). Photo from Bureau of Immigration/Facebook

HABANG wala pang nakikitang kapalit ni dismissed Commissioner Norman Tansingco si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., itinalaga muna ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang Officer-in-Charge ng Bureau of Immigration (BI).

Sa Department Order 628, mananatiling in-charge si Viado sa daily operation ng BI sa ilalim ng pangangasiwa ni Remulla.

Mananatiling in-charge si Viado hanggang sa makapagtalaga na ng bagong BI commissioner si PBBM.

Magugunitang kinumpirma ni Presidential Communications Acting Sec. Cesar Chavez ang pagkakaalis sa pwesto ni Tansingco sa ahensya dahil sa pagtakas ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo noong Hulyo.

RUBEN FUENTES