(Deputy speakers sandamakmak) SCANDAL SA KAMARA

Mon Casiple

ITINUTURING ng isang political analyst na isang scandal ang nangyayari ngayon sa House of Representatives na may 29 na House Deputy Speaker.

Ayon sa batikang political analyst na si Mon Casiple, hindi kailangan ng ganito karaming Deputy Speaker ng Mababang Kapulungan dahil wala naman itong naipakitang nagagawa, at habang dumarami ang itinatalagang Deputy Speaker ay dumarami lamang ang gastos.

Malinaw, aniya, na ang nangyayari ay political accommodation kung saan nabigyan ng puwesto ang mga kongresista na naging instrumento sa pag-upo bilang House Speaker ni Lord Allan Velasco.

“it’s a very partisan move. Wala namang malaking nagawa,” paliwanag ni Casiple.

Siyam pang sinasabing sumuporta kay Velasco sa speakership row ang itinalaga bilang Deputy Speakership. Ang  29 kabuuang bilang ng Deputy Speaker ang  pinakamarami sa kasaysayan ng Kamara.

Ang siyam na bagong DS ay sina Reps.Arnolfo Teves Jr., Negros Oriental 3rd District;

Rimpy Bondoc, Pampanga 4th District; Bernadette Herrera Dy, Bagong Henerasyon; Kristine Singson Meehan, Ilocos Sur 2nd District; Divina Grace Yu, Zamboanga del Sur 1st District; Rogelio Pacquiao, Sarangani; Bienvenido Abante Jr, Manila 6th District at ang dalawang kapwa kinatawan ng Valenzuela na sina 2nd District Rep. Weslie Gatchalian at 1st District Rep Eric Martinez.

Si Teves ang unang nagpalutang sa isyu ng hindi patas na hatian sa pondo ng mga mambabatas sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano subalit nang maipasa ang P4.5-trillion 2021 budget sa ilalim ng pamumuno ni Velasco ay lumitaw na mas tumaas pa ang budget ng mga kongresista na nabigyan ng P650M hanggang P15B bawat isa na infrastructure allocation.

Si Las Pinas Rep. Camille Villar ay itinalaga rin bilang DS subalit tinanggihan niya ito.

Ang deputy speakership ay isang plum post sa Kamara dahil bukod sa pagiging senior position ay may kaakibat din ito na  perks gaya ng budget na P200 milyon at pagkakaroon ng voting powers.

Una nang ipinaliwanag ni UP Political Science Assistant Professor Jean Franco na habang dumarami ang Deputy Speaker ay nadaragdagan din ang gastos, halimbawa umano, kapag itinalagang deputy speaker ay magkakaroon ng opisina, dagdag na staff at budget.

“Aside from the regular office budget one enjoys simply for being a congressman, you have your own budget, you can have at least 6 staff tapos mayroon ka pang district staff. ‘Pag may committee, that’s additional budget and of course, you’re able to travel, may perks of travelling. Aside from having a staff, you have a budget also sa district office mo,” nauna nang paliwanag ni Franco.

Sa 2017 report ng Commission on Audit (COA), lumilitaw na P4.89B ang nagastos o expenses sa mga tanggapan ng mga kongresista, at kung sa 14 na Deputy Speaker noon ay malaki na ang ginastos ay tiyak na dodoble ngayong 29 na ang Deputy Speakers.

4 thoughts on “(Deputy speakers sandamakmak) SCANDAL SA KAMARA”

  1. 689063 543435Possible need all types of led tourdates with some other fancy car applications. Numerous also supply historic packs and other requires to order take into your lending center, and for a holiday in upstate New York. ??? 813598

  2. 456789 604744Thanks for the sensible critique. Me and my neighbor were just preparing to do some research about this. We got a grab a book from our region library but I believe I learned more from this post. Im very glad to see such wonderful information being shared freely out there. 933505

Leave a Reply

Your email address will not be published.